Ang entry na 'to ay seperated by date. Pwedeng basahin ng dahan-dahan at hiwa-hiwalay. Parang Para Kay B - Limang Kuwento ng Pag-ibig sa Gabing Maaraw. XD
Pero kung banal ka at walang problema sa mata, pwede mo ring basahin ng dire-diretso ang mga pangyayari mula 0323 hanggang 0327. Enjoy. *evil laughs*
Pero kung banal ka at walang problema sa mata, pwede mo ring basahin ng dire-diretso ang mga pangyayari mula 0323 hanggang 0327. Enjoy. *evil laughs*
03232009.
Umaga.
Graduation ng CAT/COCC. Nakakatuwa naman kasi graduate na sila. Ang dami ring hinimatay at sa tingin ko bitin ang basaan. Mas masaya nung first year.
Dumating din ang makasaysayang si Sir Mendiola. Medyo nakausap pa namin siya at wala siyang pinagbago. Si Sir Mendiola parin siya. XD
---
Napagdesisyunan naming pumunta ng Luneta. At mas masaya dahil maraming dumagdag. Walo kaming nagliwaliw sa ilalim ng init ng Maynila - Ako, Maan, Louise, Hannahgene, Gienela, Mark, Lezlee, at Julius.
Masaya dahil marami kami. Laughtrip ang mga bentang korni jokes at talaga namang teritoryo namin ang pinakalikod ng bus. Actually lagi namang ganun e. Tsaka kami lang yung maingay. Saya.
Bumaba kami sa may... nakalimutan ko. Basta, dun. At mula roon ay naglakad na kami papuntang Luneta.
Una naming nakita ang malaking istatwa ni... sino nga pala siya? Isang datu/raja yun e. Pfft. Papunta na sana kami nang mapayapa sa istatwa nang nilapitan kami ng mga palengkerang estudyante. War freak ang isang punyetang babae. Nanghahamon ang gaga. Tinanong niya kung taga-san kami. Taga PUP, ate. Nag-reak ang mga bwakanashyet na tila hindi sila naniniwala at saka nakita ang suot na blue shirt ni Gienela na may nakalagay na ATENEO at tinanong Ate, taga-Ateneo ka ba talaga? Sinagot ni Gien ng all caps na OO, BAKIT? ang grupo ng mga palengkera at nag-reak sila at sigaw ng isa, Kami, mga Atenista rin kami at sabay nagtatawa. Dahil wala kaming dalang baril arnis at wala akong pambili ng bagong camera, iwas nalang kami. Hindi na namin pinansin kaso kasi sumasagot din si Louise kaya nang paakyat na siya dun sa istatwa e hinabol pa siya ng mga tampalasang estudyante. At naririnig ko pa ang mga salitang, Ano bang gusto mo, ha? at nakita ko pa ang pagpigil ng bulubuting lalaki sa girlfriend niyang walang modo. Pati yung mga kasamahan niyang palengkera sinasabing, Tama na, huwag mo nang patulan. Mababait ang mga taga-Araullo/whatever. Haiz. Gusto kong tulungan si Louise kaso kailangan kong magpigil. Delikado e. Baka bigla ko silang maitulak at kumalat ang dugo't utak nila sa mainit na sahig ng Luneta. Baka bumagsak ako sa Correctional.
Natapos din naman ang ka-punyetahan ng mga hindot kaso naririnig ko pa ang boses ng punyetang babae na nagsimula ng lahat na nagsasabing, Lugar ng mga AraulloArolloArolyo/iskulngmgatampalasangestudyante 'to at ang mga boses na, Tama na, hayaan mo na.
Medyo nakakalayo na kami at pababa na sa istatwa ng datu nang lumapit samin ang isa sa mga palengkera at tila may mabait na pakikitungo, Ate, taga-san po ba talaga kayo? Sinabi ulit namin na Taga-PUP nga kami ate. E anong year niyo na ba talaga, tanong niya. Sumagot si Gienela, third year, kayo? Second year po, sagot ng taga-Araullo whatever. Sumagot uli si Gienela, O, tignan mo, matanda pa kami sa inyo. At hinayaan na kaming lumarga. Buti naman. Taktengina sila.
Bago ko ituloy ang pagkukwento, may mensahe ako sa kanila na punung-puno ng pagmamahal. Para sa mga hindi involve, huwag niyo nang basahin. Medyo mahaba e.
Dear Bwakanashyets,
Unang-una, ayaw na ayaw kong nangungutya ng ibang eskuwelahan dahil hindi rin perpekto ang pinanggalingan namin. Pero kung ang pag-uugali ninyo ay pwedeng ikumpara sa pinakamababang uri ng demonyong nalikha ay pwede na kayong mamatay anytime. Hindi kayo kawalan sa ibabaw ng kalupaan ng Pilipinas. Mga punyetang palamunin ng magulang, dagdag sa hirap ng bansa, at ni wala kayong naitutulong kundi magsimula ng away dahil sa mga walang kawawaang bagay. Sana mabasa niyo ito, kayo, dahil ang mga tulad ninyo ang pinanggagalingan ng mga henerasyong walang pag-asa, dahilan ng kinabukasan na kubkob ng dilim at kitang-kita ko sa inyo ang mabahong dugo na dumadaloy sa mga nagnanaknak niyong ugat.
Walang perpekto sa mundo, kahit orig Atenista o Lasalista o taga-UP man ay may tinatagong sama. Lalo na kaming mga simpleng PUPian lang. Sumasama ang loob namin, pero hindi kami nagsisimula ng mga walang kwentang hamon na kahit kailan ay hindi kakapitan ng kasaysayan. Nagmumura kami ngunit ito ay indirect, pa-joke, o ekspresyon. Kung makapagsalita man kami ng masama, as in we mean it, tulad ng tawag ko sa inyo (Bwakanashyets) ay dahil bawat letra ng masamang salitang binabato namin sa inyo, isama na ang bawat letra ng kahulugan nito, ay kayo ang inilalarawan.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niyo inaangkin ang lugar na iyon sa Maynila samantalang pang-rugby lang ang afford ng pera niyo, ni hindi niyo binayaran ang landscape architect/architect ng lugar na 'yon. Bakit? Ano bang pinagmamalaki niyo? Kapitbahay niyo ba si Alfredo Lim para lumakas ang loob at kumapal ang mga mukha ninyo? Walang habas niyo ring ginamit ang mga laway ninyong masaganang tumatalsik sa gitna ng heat wave para lang mang-hamon. Napaka-nonsense. Ang bababaw niyo. Buti kung nagkakapera kayo diyan.
Haiz. Go forth and f*** thyselves.
You know you love me...
XOXO, cdLB.
PS. Huling bagsak na 'to: Hindi yata talaga kilala ang iskul niyo. Akala nga namin nung una shortcut ng Arellano, tsaka dahil narin sa parehong unirform niyo. Kaso Araullo/Arollo/Arolyo/whatever pala e. Teka, nag-e-exist ba talaga 'yon? XD. Joke. Huwag dibdibin. May likod.
---
Pagkatapos ng isang maluphfet na appetizer ng mga bwakanashyets ay nakalimutan ko na kung saan kami tumuloy. Hehe. Papunta na ata kami nun sa monumento ni Rizal. Oo, tama, dun nga. Ilang tindahan din ang nadaanan namin. Ilang gardens at poste't istatwa. Nang pinatugtog pa ang Careless Whisper ay 'langya, yung lalaki sa dalawang adik na naglalandian sa tabi ng poste ay biglang nagbaba ng kanyang shorts, down went his underwear too (kung may suot man siya) at kitang-kita ang lahat. Kadiri. Shyet. Dapat pati yung likod ng monumento ni Rizal may nagbabantay din e. Para walang mga nage-extreme PDA.
Tapos lakad lang, diretso sa monumento. Nadaanan namin ang iba't ibang lugar at syempre ng makarating sa tapat ng monumento ni Rizal, piktyur-piktyur na. Sumisigaw pa si Gienela ng attention. Parang sira.
Natapos sa monumento at tumawid kami. Ggayahin pa sana namin yung Beatles at pipiktyuran ko pa sana sila kaso ang bilis ng karipas ng mga kotse kaya hindi na namin nagawa. Tapos tumigil muna kami, nagpahinga at uminom. Kumain din ng Lala. Napag-usapan ulit namin yung nangyaring kalokohan with the Bwakanashyets at talaga namang asar na asar si Louise. Nakakatawa rin at the same time.
After ilang minuto lakad ulit kami, tinawid namin ang Quirino Grandstand habang bonggang bongga ang tirik ng araw. Tapos sabi ni Hannah, Ocean Park daw yung nasa likod. Wala lang, dumaan lang kami sa harap nun. Tsaka sarado ata nung pumunta kami.
May nadaanan kaming playground. Nakakatuwa kahit maliit lang. May mga batang mukhang 6 years old na naglalaro. Merong isa dun na parang iniikot. Yung kakapit ka sa bakal (na parang pang-Game KNB) tapos iiikot niyo. Yung parang sa pelikulang Pitong Dalagita kaso yung nakita namin walang upuan, tatayo ka lang talaga pero pwede karin namang umupo.
Sinubukan namin. Enjoy ang nakakahilong karanasan. Tawa kami nang tawa. Mura nang mura at sumisigaw kami na Tama na, ayoko na pero patuloy parin ang malakas na halakhakan. Sabi ko nga e, ganyan ba talaga kapag pinagkaitan ng kabataan? Sabi ni Maan, Oo nga e, wala tayong childhood. Haiz. Mala-Spolarium talaga 'yon. Pwede bang itigil mo na ang pag-ikot ng mundo...
After the playground (na nakita naming pang 9-12 years old lang) ay lakad-lakad lang hanggang sa nakaabot kami sa tanong na, Ano, san na tayo? After several talks, napagdesisyunang mag-MOA.
Dahil alam ni Maan ang daan, ayun, sinundan lang namin siya. Sabi niya ang distance ng MOA from the place ay parang mula PUP hanggang J. Ruiz. Patawa si Maan. E ang layo e. Siguro dalawampung PUP-J.Ruiz ang tinagal ng biyahe namin. Tapos bumaba kami sa may... Heritage Hotel ata 'yon. Yung may PAGCOR sa labas. At naglakad na naman kami sa ilalim ng overjoyed na araw. 32 degrees celsius pa ang temp ng mga panahon na 'yon.
Nakarating din kami ng MOA after 20 minutes (na sinabi ni Maan na ang distansya ay parang mula room ng I-Peace hanggang dulo ng Teresa na isa na namang malaking joke dahil 10time non ang layo ng nilakad namin).
Haggard kaming pumasok sa MOA. Ramdam na ramdam ko na para akong ginamitan ng burn tool sa Photoshop by 50% exposure. Umupo muna kami dun sa may iceskating rink at ngumuya ng pop corn bought by Hannah.
Tapos akyat kaming 2nd floor at dumiretso doon sa lugar kung saan kita ang dagat, dun sa mahangin. Yung sa may imax. Piktyuran na naman.
Tapos bumaba kami para mas malapit kami sa dagat. Ayun. Parang Luneta rin. Nagpa-tan na naman kami. Pero di na masyadong mainit dahil mahangin. Ang ganda rin ng view.
Hindi na namin hinintay ang sunset dahil aabutin talaga kami ng gabi. Umuwi rin kami after an hour.
Solong umuwi si Maan. Magkakasama si Louise, Gien, at Julius. Dyip na biyaheng Quiapo naman ang sinakyan namin - Ako, Mark, Lezlee, at Hannah.
Windang ako dahil isang oras na ang biyahe at nasa Taft pa kami. 6:30pm na non. Buti after 20 minutes nakakita na ako ng pag-asa - ang Basilica de Nazareno. Nasa Quiapo na nga kami at pamilyar na ang buong lugar sa amin. Dehin na kami maliligaw. Dahil mali ang nababaan hindi kami nakasakay ng biyaheng Punta kaya nag-Cubao nalang kami.
7:21pm, nakauwi ako ng bahay. Bakit ngayon lang? tanong ni itay. E ngayon lang e. Sagot ko sabay ngiti.
Dumating ang nanay ko ng 9:30 at tinanong, Anong oras ka umuwi? Seven, sagot ko. Pa, anong oras umuwi 'to? Seven, sagot ni papsi habang nakangiti. Bakit seven na? Sabi ko naman, E kasi graduation ng CAT tsaka COCC kanina. E yung mga kaklase kong CO, syempre graduate na, ayun. Tapos tinanong niya ulit. Namumula ka a. May sakit ka ba? Sunburn ba 'yan? Nag-nod lang ako. Sa iskul? Nod ulit ang sagot. At saka nagblah-blah na si Mama na iwasan ko ang magpaaraw dahil nga sa sunburn, heat wave, at skin cancer. Uminom daw ako ng maraming tubig at dapat magpayong sa labas. Gusto ko sanang sabihin na, Wa-epek naman ma e. Nasa loob na kami ng MOA patuloy parin kaming nangingitim.
---
Hanggang ngayon ay hindi ko parin kinukwento ang tungkol sa Luneta-MOA experience. Minsan nga 90% nalang dudulas na ko e pero buti naiiwasan. Oks lang naman kay papa. Gusto niya nga ring medyo bumabiyahe na ko para kaya ko nang libutin ang NCR. Si mama lang ang medyo sensitive sa mga ganyang bagay. Kahit hindi niya ako pinagalitan sa pagpunta ko ng Intramuros ay alam kong medyo nalalayuan na siya don. XD
---
03242009
Kaunti lang ang sakay ng dyip biyaheng Stop N' Shop. Ang lalaking nakaupo sunod sa akin sa may kanan ay halatang puyat. Siguro mga 85% siyang tulog. Ayun, medyo bumabagsak-bagsak. Tapos sasaluhin yung sarili. Magigising. Matutulog ulit. Babagsak. Sasaluhin ang sarili bago tuluyang makahiga. Ang masaklap pakaliwa ang bagsak niya.
Nang nasa tapat na kami ng mga motel ay maluphfet ang final blow niya. Muntikan na talaga siyang bumagsak. 50% na lang e talagang hihiga na siya. Medyo nag-reak pa ang ilang muscle ko sa katawan dahil kanina pa ko ready na saluhin siya. Medyo na-maintain ko lang ang poise ko dahil nga nagising na siya.
Nakatulala lang ako kunwari sa baba. Tinap niya yung upuan, yung 10-inch space na naghihiwalay sa aming dalawa at napatingin ako sa kanya. Saka niya tinanong kung lumabas na ba yung result ng exam. Sinagot ko naman siya ng banal na opo (nga ba?) at sinabi niyang, hindi lumabas sa internet yun 'no? at sinabi kong hindi po e. Saka niya sinabing ang pamangkin daw niya ay nag-exam kasi at titignan niya kung pumasa ba.
Pagkababa ng dyip ay sumabay na si Kuya. Ayun. Habang naglalakad ay nagkuwento siya ng 10% ng talambuhay niya. Sa pagkakatanda ko, graduate siya ng FEU, nursing. Kaso hindi pa raw niya prina-practice at call center agent muna siya ngayon. Nagtanong din ng tungkol sa LHS, kung strict ba ang mga guro. Medyo natawa ako at sinabi ring hindi. Tapos tinanong niya rin ako kung anong course ang kukunin ko. Doon talaga ako nalugmok. Parang sa isip ko, 'Langya. 'Yan nga yung iniiwasan kong tanong e. Isasagot ko sana ay Fine Arts kaso kahit ako sa sarili ko ay hindi sigurado don. Sinabi ko nalang IT. Pero sabi ng mga kaklase ko mag-Mass Comm nalang ako. Sabi niya, Pang call center 'yang course mo a. Gusto mo ba maging call center agent. Sabi ko Hindi. Kasi parang... nag-aral pa ko. At marami pang sumunod blahs.
Hinatid ko siya hanggang sa kanto ng gripo at tinuro kung nasaan ang bulletin board. Ang huling narinig ko mula sa kanya ay good luck. Saka ako bumalik ng room at after an hour ata ay tinanong ko si Maan. Maan, ano sa tingin mo ang magandang course? Sabi niya, Para sa'yo? Fine Arts, ID, Archi, LA... Anong LA? tanong ko. Landscape architecture. sabi niya. Ah... ok. Parang Just Like Heaven. Ano pa? Vis comm..., sabi niya. Visual comm? tanong ko. Oo, tapos molecular biology... at napatigagala ko. Ha? Molecula... ano raw? Natawa nalang kami.
Naiyak ako sa mga sinuggest ni Maan. ARCHI? LA? -______-
---
Pinanood din kami ni Leo sa laptop niyang banal. E-heads concert noong August 30. Haiz. Saya. Napanood ko na naman ang concert ng mga idol. Tuwang-tuwa parin ako kay Buddy, at syempre kay Ely.
Tikas talaga ni Master Ely. Lalo na dun sa may bandang dulo. Siguro hirap na siya non. Pero iba yung dating e.
Ayun. XD
---
03252009
---
03262009
Botohan.
---
03272009
Ngayon.
Lumabas na ang resulta. Apat lang sa ibinoto ko ang pasok. Pero oks lang.
Nagkaroon din ng kyut na activity ang III - Entre. Sayang at hindi kami kumpleto. May personality test, love test, point-of-view-mo-sa-love test, at isang give-your-msg-thru-touching-his/her-body tsu-tsu. Basta ganon. Tapos nakapiring yung bibigyan ng message. Enjoy naman.
Nang uwian na ay nagpunta kami (Ako, Louise, Dawn, Gienela, at Hannah) muli sa Maynila. National Museum sana ang destinasyon kaso inuna namin ang hindi nadalaw na Fort Santiago. Kaso bago makarating doon ay nag-inarte si Dawn na talaga namang pangunahing dahilan ng pagkaasar ko sa kanya minsan. Para kasing tanga e. Masakit yung puson ko e, uwi na ko. Sows. Di pa kasi ipatanggal yung ovary niya. Lintek. Tsaka ang laki-laking tao hindi kayang magtiis ng simpleng sakit ng puson. Hindi pa naman dysmenorrhea 'yon.
Nakarating din kami sa may FS kaso sarado. May tourism gala blah-blah raw e.
Umuwi nalang din kami after dahil wala raw pera si Gien para sa entrance fee sa Pambansang Museo. Haiz. Bitin tuloy. Gusto ko sanang sabihin sa kanila kanina na Lagi kayong ganyan. Magyayaya kayong bumiyahe e mga wala naman kayong pera. Sana hindi nalang kayo sumama. Ilang pagkakataon na kasi yung nasayang namin dahil sa mga walang sense na bagay at pagka-mangmang.
3:30pm nakauwi ako. Sinabi ko rin naman kay itay kung saan kami pumunta. Tinanong ko rin siya kung paano pumunta ng MOA mula Manila, na as if hindi ko alam. Ayun. Kuwento-kuwento.
Nagpunta kami ng Agora, kumain ng isaw, naghintayan, umuwi. At heto ako ngayon. Halos tatlong oras nang nagty-type.
