Thursday, February 5, 2009

Hinatid ko siya ng tingin at patuloy na pinakinggan ang kanyang mga yabag na papalayo...

Now Playing - Metropolis ~ Rico Blanco

Nasa kompyuteran lang ako ngayon sa iskul. Sa may Ninoy, sa taas. Halos apat na oras na walang klase kaya nandito ako ngayon kasama si Dawn at Hannahgene. Hindi ko na matiis na hindi mag-internet. Matagal-tagal narin kasi akong dehins nakakapag-post.

Lunes.
Merit card awarding. Wala namang bago. Tagapalakpak na naman ako, kami. Oks lang. Wala akong pakialam sa papel e (at sa award na alam kong hindi naman talaga pinaghirapan). Pero sinusuportahan ko parin si Maan. Alam ko ang kakayahan niya. Naks.

Guest speaker si G. Walter M. Robles. Alumnus ng LHS. Hindi ko na ikukwento ang iba pang nangyari at kung saan patungkol ang mga sinabi niya. Pero na-inspire ako. Diretso at realidad kasi ng buhay ang lahat ng sinabi niya. Totoo ang lahat.

Now Playing - Penelope (Acoustic) ~ Saosin

Martes.
Ako ang Huwaran of the Day. 8am na ko nakarating ng room. Buti nakatalikod si Mam nung pumasok ako. Hindi niya ko napansin. At buti kasisimula palang nung seatwork.

Binasa ko ulit yung p.90 sa Po-on. Wala lang.

Miyerkules.
Masaya ang Eko. Lahat nakatingin sa labas habang nag-e-explain si Mam Espanol.

Huwebes.
Sa ngayon, eto nga, nandito ako sa kompyuteran sa taas.

---

Now Playing - Us ~ Sugar Hiccup

Pag-usapan natin ang bonggang JS Prom ng LHS. Ngayon ko lang din medyo napagtanto na kailangan umattend dito. Una, sayang ang P800. Ilang libro din ang mabibili ko don. Kung magiinarte ako at hindi pupunta, walang return of investment. Pangalawa, once in an effing lifetime ang prom. Hindi ako mahilig sa mga ganyan pero kasi, yun nga. Basta. Now Playing - Time After Time ~ Saosin. Tapos, ano pa ba? Wala na kong maisip. Ganun nalang yata talaga. Kahit naman ako mas gusto ko ang field trip. Tagal narin e. Mula pa nung pers yir. Pero may pagkakataon para sa prom, isang event na maaari raw na hindi na maulit next school year. Ayun, maging positive nalang at i-enjoy ang buhay. Tsaka kailangan nang mag-seryoso e. Siguro magandang appetizer ang prom.

Nakabili narin ako ng gown. Hindi naman gown pero gown. Dress. Ewan. Yung sapatos, pipiliin ko nalang dun sa dalawang options ko.

---

Now Playing - Nuestra Senora Dolorosa ~ Mistula.

Medyo nae-enjoy ko ang Noli Me Tangere. Actually hindi lang "medyo" dahil karir ko ang pagbabasa nito ngayon. Kagaya nung mga panahong karir ko ang pagbabasa ng Florante at Laura at napagisipang gumawa ng tula.

Nabasa ko ang tatlong bersyon ng Kabanata Ekis - Elias at Salome at naasar ako kay Rizal. Hindi ko akalain na ilang taon na ang nakakalipas ay may nakapagsulat na pala ng kasaysayan ko. Feelingera. Siguro kasi nai-apply ko lang yung istorya sa'kin. Naiapply ko ng ganun kadali, na parang binabasa ko ang nakaraan. Pero sinampal ko ng sariling salita ang nararamdaman ko, ang nasa isip ko. Feelingera ako sabi ko sa sarili ko. Kailangan ko ng itigil ang paulit-ulit na pagbabasa ng istorya ni Elias at Salome dahil kahit 90% na swak sakin ang istorya, yung natitirang 10% ay nagsasabing kahit sa anino ay hindi ako si Salome. Dahil kahit hindi ako naiingit sa ibang mga babae, wala sa akin ang pakikipagkaibigan niya.

Now Playing - Wake Up ~ Coheed and Cambria.

At inalis ko sa sarili ang pokus. Inisip ko kung bakit sinulat ni Rizal ang Elias at Salome pagkatapos ay nilagyan ng ekis. Tapos naalala ko yung first romance ni Rizal - si Segunda Katigbak. Since nung first year ko pa huling nabasa 'yon (dahil narin pina-memorize ni Mam Tahil yung Brutalization of the Malayan Filipinos has been demonstrated to be impossible...) ay medyo limot ko na ang mga eksaktong detalye. Nangyari ang pagkikitang Jose at Segunda bago ata pumasok sa Ateneo si Rizal, nang makatapos sa UST. Nakalimutan ko na talaga. Saka ko nalang itatama kapag nabasa ko na ulit. Ayun. Ang nakapagpaalala sa akin ay yung quotable quote ni Rizal about what happened. Hindi kasi sila nagkatuluyan ni Segunda dahil engaged na ito kay Manuel Luz. Basta. 16 years old, at young age nakaranas si Rizal ng Huling El Bimbo on the path of love. Baka sa susunod na entry ay maisama ko na yung quotable quote.

Now Playing - Ang Huling El Bimbo ~ Eraserheads.

At pagkatapos ay hindi ko maiwasang ibalik sa akin ang istorya. Pero ayoko na e. Hindi naman dahil sa nakakapagod dahil ayoko ring makalimot. Hindi kailangang lumimot dahil isa rin iyong magandang alaala. Pero diba, kung patuloy mong ikukulong ang kahapon sa alaala ng isang taong hanggang titigan lang ang naging relasyon niyo, anong sense? Mas gugustuhin ko pang mag-BS Chem sa college. XD

Now Playing - Your Song/One and Only You ~ Parokya ni Edgar.

Wala na 'kong magagawa at pakialam kung sa panaginip ko nalang siya maisasayaw. Dahil kahit kailan naman hindi ako umabot sa puntong nangarap ng gising dahil magnets kami. Magnets na pareho ang charge. Hindi kami magdidikit sa kahit anong pagkakataon at kung nangarap man ako ay puro alaala, hindi yung kung ano ang gusto kong mangyari bukas.

Now Playing - Five Years ~ Sugar Hiccup.
But he will not be back...

Masaya na ko ngayon. Hindi siya ang lahat, hindi rin siya ang mundo. Itutuloy ko nalang ang aking sining.
From that moment I told myself when I make tea,
when I pour sake, when I dance,
when I tie my kimono…
it will be for the chairman,
until he finds me. Until I am his.


Sino si Chairman? Si 8**&13, sino pa ba.

Now Playing - Your Universe ~ Rico Blanco.

Naniniwala akong magkikita rin kami ni 8**&13. At sana kung magkita kami ay masaya ang lahat. At kapag nagkita kami ay may maipagmamalaki ako sa kanya. Noong bakasyon ginusto kong mag-CO dahil sa kanya. Nag-quit ako dahil nawala siya sa paningin ko. Ngayon, hindi man ako maging opiser masaya parin ako. Magsasanay ako sa parehong sining ng landas namin.

Now Playing - Nasaan Ka ~ Pupil.
Mahahanap din kita.

SA NGAYON.
Badterp ata si Maan kanina. Nawala ang appetite niya sa pagbabasa at pinahiram muna sa'kin yung librong natanggap niya nung Christmas party - Puppy Love by F. Sionil Jose. Enjoy naman ako dun sa unang istorya. May sampung pahina pa ang kailangan kong basahin. Para rin akong nagbabasa ng Para Kay B na english.


Geh.
Sa susunod nalang.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer