Tuesday, January 15, 2008

She's so nice that it makes up for her face...

01.14.2008
Masyado ata akong pagod. Hindi ko alam.
6:30 ako dumating ng bahay. Kakasimula palang ng balita
nahiga agad ako. Pikit palang nung una. Sabi ko pa:
Hindi ako matutulog. Maraming gagawin.
Kaso, nagdire-diretso. Nauwi sa pag-tulog ang lahat.
Hindi pa ko nakakapagpalit ng damit. Wala pang kain.
Kahit tubig man lang. Basta, diretso tulog.

Nagising ako ng mga 9:30pm. Nag-ring kasi yung telepono.
Syempre, kakagising ko palang, medyo may amats pa yung mata
ko. Dahil sa ganun nga, yung mata ko, bumagsak na naman.
Nakatulog na naman ako.

Nagising ako ng mga 10:15pm. Nagising ako ng hindi pa nakakapagpalit
ng damit at hindi pa nakaka-kain. Wala pang nagagawa sa mga assigns
at hinihintay ang Coffee Prince at Spring Waltz.

Nakapagpalit naman ako ng damit ng matiwasay. Nakakain naman ako
ng maayos habang nanunuod ng CP at SW. Tapos... 11pm na.
Wala pa akong nasisimulan sa mga dapat kong gawin.

May ginawa akong assign kaso hindi ko alam kung saang subject yun.
Natapos ako mga 11:45pm. Nanuod pa ko ng TV. Konting GMA,
konting ABS, at MYX.

1.15.2008
Naabutan ko sa MYX yung isang version ng Ugly Girl.
Wala lang. Ayoko nang magbigay ng comment. Basta, mas gusto ko
yung kay Fiona Apple. Yun talaga... yun yun eh.

Naalala ko na naman si Bb. Posero nung narinig ko yung Ugly Girl.
"She's so nice that it makes up for her face..."
Hehe. Ewan.

(Ginaganahan akong manlait ng iba ngayon. *evil laughs*)

Pagkatapos... Mellow Myx naman. Sa Mellow Myx, napanuod ko yung
mtv ng I'll Be Over You. Dati, ini-snob-snob ko lang 'tong kanta na 'to.
Kapag naririnig ko, kapag kinakanta ni Pinsan, kapag ano... basta.
Wala lang yung kanta sa'kin. Pero kagabi, nung napakinggan ko ng matino
yung kanta, yung lyrics, yung message... wala lang. Na-tats lang ako.
Nakaka-tats yung kanta.

It takes some time
God knows how long
I know that I can forget you

As soon as my heart stops breaking
Anticipating
As soon as forever is through
I'll be over you

Potek na ka-sentihan yan. Mula nung narinig ko yung Right Here Waiting
kaninang umaga (tinutugtog ni Seph sa keyboard), hindi na tumigil yung
ka-sentihan na yan.

Naalala ko tuloy yung "script" namin ni Pia...
"*****, ikaw ba yan? Basang-basa ka..."

Lols. Wala lang. Kalokohan talaga. Ewan.
"Naaalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan..."
Haha. Kalokohan na naman.

` ` ` ` ` `
Sa ngayon, meron akong confession. Ewan. Sa tingin ko eh ano eh...
Basta. Sa susunod ko nalang siguro sasabihin. Hindi pa kasi ako
sigurado eh. Pero kasi, pansin ko, napapadalas yung tingin ko sa
room ng @#$%! Tapos, na-realize ko na mas masarap minsan ang
ponkan kesa sa chocolate. Haha. Ano raw? Konek? Basta.
At dahil din dun, aking napagtatanto sa ngayon na, baka kailangan
ko nang bawiin at lunukin ng buong-buo yung sinabi ko na kung sino
man ang makakakanta ng Your Guardian Angel with all that passion,
I'll give that person the best 11 minutes of his life. Sa tingin ko kasi,
nag-e-exist ang taong iyon... at siya'y isang @#$! student ng LHS.
Linteknapotekgalapot.
` ` ` ` ` `
Nag-test sa Steno kanina. Hindi ako natuwa sa test na 'yon.
Ang daming blangko. Sabi pa na ang "brief forms" part nung test ay
single words lang. Ewan. Pero may sagot ako na "You have". Wala
na talaga akong maisagot dun eh. Pigang-piga na yung utak ko
sa kakaisip ng mga strokes. Nakakapagod mag-compare ng mga linya
at kung anu-ano pa. Yung "o" mukhan "r" at yung "r" mukhang "l".
Yung "dem" or "ted/ded/dit" ay halos kaparehas ng "d". Ewan ko talaga.

Goodluck. Sabi ko pa naman dati, gusto kong ma-perfect lahat ng
quizzes sa 3rd grading. Langya, obviously, imposible na yun.

Enjoy sana ang steno. Optek na sana eh, kaso, sumasakit ang ulo ko.
Hindi ko talaga alam. Baka biglang umatake ang alopecia.

I am the king of this school.
I can count your hair...
Wala lang...
` ` ` ` ` `
Haiz...
Bored na naman ako.
Bored pero maraming ginagawa.
Boring kasi yung ginagawa ko.

Lagi nalang ganto.
Lagi nalang tambak ang assigns,
projects, quizzes, other requirements
kapag end of quarters na.

Haiz... wala na namang masabi.
Speak-less mode na naman ako.
Parang kanina lang ang dami ko
dapat iku-kwento.

Geh, bukas na nga lang ulit.
Ewan. Or, siguro, sa Thursday...
8->


EDITED.
after 11 minutes...
(11 minutes talaga)

Napanuod ko yung Sugal ng Kapalaran ~ Rivermaya. Salamat
kay Bb. NiƱa Sandejas.

Natuwa ako. Hehe. Nakakatuwa naman talaga eh.
Nung nakita ko si Jayson, naalala ko si Julian.
Magkamukha ba? Hindi naman. Pero, may mga pagkakataon
na, siguro, magkamukha nga sila.

Para sa mga nagsasabi na ginagaya lang ni Jayson ang boses
ni Bamboo, ewan ko. (napapamura ko dito ah.)
Basta, hindi yun totoo. Hindi. Hindi. Hindi. H-I-N-D-I. Hindi.
Makinig kasi sana muna bago magsalita.


I can count you hair...
it's lesser...
hehe, pasensya.

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer