Monday, September 24, 2007

Insensitive.

Maraming araw ang lumipas.

9.15.2007
Pagkatapos kong maginternet, mga 4pm binuksan ko ang TV. Dahil Sabado, hindi masyadong maganda ang mga palabas. Dahil sa ganun nga, automatic ang mga daliri ko sa pagpindot ng remote. Pagkalipat sa HBO. Nakita ko si Mr. Darcy na kinakausap si Elizabeth. Nung mga panahon na 'yon, iyak-tawa ako. Takte. Obvious naman sa mga characters kung anong movie diba? Pride and Prejudice.

"Ang tanga ko. BWISET!"

Sigaw ako nang sigaw niyan. Hindi ko kasi nasimulan. Isang oras na ang nakalipas nang napanuod ko. Buti naabutan ko yung part na nag-confess si Mr. Darcy kay Lizzie kaso... Hay nakup. Bwiset.

9.16.2007
Noong Linggo naman, sa pagkakatanda ko... The Legend of Zorro yung pelikula. Saya naman...
Medyo na-a-adik na talaga ko sa panunuod ng mga pelikula.

Masaya sanang panuorin yung Final Destination 3 kaso 11pm naman. May pasok kinabukasan.

Birthday din nga pala ni Ephraim.

9.17.2007
Monday. Flag ceremony. Maaga akong pumasok.
Limot ko na ang mga nangyari.
Birthday ni Franz.

9.18.2007
Simula na ang Intrams. Pumarada kami.
At narinig ko na naman ang kantang sumisila sa aking damdamin para sa isang taong alam kong kahit kailan ay hindi na babalik...

Lumipas ang mga araw.

9.20.2007
Thursday.
Haiz. Fall Out Boy. Oo. Hindi ko napanuod. Haiz talaga.

9.21.2007
Friday.
Sabi ni Socorro, may ticket sila para sa concert ng FOB kaso nawala ng kasamahan ng Kuya niya sa trabaho(sa kanya kasi pinatago) kaya dehin sila nakapunta. Saya diba?

Dahil Intrams na nga. Naka-sched ang section namin para maging audience ng mga laban.
Panalo naman ang LHS sa Volleyball(Girls). Ewan ko lang sa Boys kasi bumalik na ko sa classroom para tapusin yung mahabang headache na "project" sa Math. Pinakopya pa ko ni Ephraim kaya medyo napadali ako sa pagtapos nung project.

Dala ni Nyx ang mp4(tama ba? mp4 ba yun?) niya. Dahil malala na ang pagkahilig namin sa Mistula, nandun ang Mulat at Nuestra Senora Dolorosa. Ang saya naman. Hehe. Concert kami.

Marami pang nangyari. Katamad magkuwento.

9.22.2007
Birthday ni Leo. 15yrsold na siya. Tumatanda na. Hehe.

Sakto naman kasi mga 1:13pm, naglipat ako ng channel. Syempre, HBO agad. Masaya kasi Final Destination 3 ang palabas. Haha. Saya talaga. Kumakain pa ko nung mga panahon na yun.

Pagkatapos ng FD3, Madeline. Goodluck naman. Tapos ng Madeline, The Da Vinci Code. Hindi ko pinanuod kasi para sakin b-o-r-i-n-g ang pelikulang ito. Hindi ko talaga magustuhang panoorin kahit sabi ng iba ay maganda ito. Wala akong paki kung tinutuligsa niya ang mga nakasulat sa Bible kasi hindi naman nito mababago ang paniniwala ko kaso ayoko talagang panoorin kasi baka antukin ako at makatulog. Sayang ang kuryente. Bukas ang TV, tulog ako.

9.23.2007
Maaga akong nagising.
Nakapanuod ako ng Cardcaptor Sakura. Hehe. Saya.

Tapos Charlie and the Chocolate Factory sa HBO. Hehe. Saya.

I'm more flexible... but I'm color blue.

9.24.2007
Absent si Lezlee.
Birthday ni Jeffrey.

Nag-yunit test sa PracArts. Haiz... Bagsak na naman ako. Naiiyak na talaga ko.
Tapos, nagkaroon ng seatwork sa Algebra. May isang part dun na dehin ko talaga maintindihan. Inexplain ni Ace ng 1408 na beses, dehin parin pumasok sa isip ko. Sabi ko sa kanya, i-explain niya yung example na binigay ni Sir kaso ang inexplain niya ay yung given problem sa seatwork. Kaya... ayun. Instant answer mula sa utak ni Ace ang sinulat ko sa papel ko. Pero medyo naintindihan ko na naman.

Binigay na sa amin yung class pics. Haha. Ang saya. Daming trip sa buhay.
"Nahulog ang pustiso ni Hillary!"
Haha. Sama ko.

Na-kuwento na rin ni Pia kay Nyx yung tungkol sa isang tao sa isang mythology. Si Achilles.

Kwek-kwek Festival na naman kami. Nanlibre si Adrian. Hehe. Umuulan-ulan pa.
Sayang nga si Pia kasi nakasabay namin si Seijin Hisui.

Tapos... ito.... bagong entry sa blog.

Random blah-blah.
Ang pangit na ni Kuya pero matikas parin siya. Mukha siyang Clouded Leopard(clouded nga ba yun?) na hindi makahinga. Haha. Kyut parin naman eh.
Badtrip yung reflection ni Leo. @#$! niya. Alam kong siya yun(ako lang ata nakakaintindi sa part na 'to).

Darating na nga pala si Mama sa Sabado. Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!
Saya naman. Susunduin namin siya sa airport. Sinong willing sumama? May space pa naman yung bodega namin, makitulog nalang kayo samin kasi mga 11:45pm ang dating niya. Hehe.

Teka, ka-text ko nga pala si Franz. Nalimutan ko.

Ok,
Bye...
Alis na ko.
;)

► PS.

Ako ay isang INFP - The Dreamer